-- Advertisements --
NGCP

Nangako ang Philippine Competition Commission (PCC) na iimbestigahan nila ang serye ng power interruption sa Luzon Grid nitong nakalipas na mga linggo.

Ito’y matapos pag-suspetsahan ng mga mambabatas ang posibilidad na may sabwatan sa pagitan ng stakeholders kaya magkakasunod na pumalya ang ilang planta ng kuryente na nagsu-supply sa rehiyon.

Ayon sa PCC, sisilipin ng kanilang hanay kung ano ang dahilan sa likod ng unplanned shutdown ng mga planta na nagdulot ng manipis sa reserba ng kuryente.

Sa ilalim ng competition law, makukulong ng hanggang pitong taon ang mga opisyal ng generation companies na mapapatunayang sangkot sa sabwatan.

May multa rin itong P250-milyon.

Bukas din umano ang PCC sakaling matuloy ang internal audit na panawagan ng Department of Energy sa mga plantang nadawit sa nakaraang insidente.