-- Advertisements --
william dar
DA Sec William Dar

VIGAN CITY – Ini-imbestigahan na umano ng Department of Agriculture ang pinaniniwalaang sabwatan ng ilang opisyal ng ahensya at ng ilang importers ng karne na walang permit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na mayroong mga pagkakataon na may mga nakukumpiskang ibinabiyaheng karne dahil wala itong veterinary health certificate.

Maalalang nitong nakaraan lamang ay ilang mga tonelada ng ilang naipuslit na karne ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service sa Manila na sinasabing nanggaling pa sa China at Brazil.

Una nang sinabi ng opisyal noong kakaupo pa lamang nito sa puwesto na magpapatupad ito ng one strike policy sa mga opisyal at empleyado ng ahensya na masasangkot sa iligal na droga at kahit anong klase ng katiwalian o anomaliya.