Wala pang konkretong ebidensiya na nakukuha ang militar kaugnay sa sabwatan ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) at New People’s Army (NPA).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Bienvenido Datuin, hindi pa malawak ang koneksiyon ng teroristang Maute-ISIS lalo na sa NPA kaya malabo pang magkaroon ng ugnayan ang dalawang grupo.
Paliwanag ni Datuin na bagama’t magkapareho ang layunin ng Maute at NPA na maglunsad ng mga terorristic activities, may pagkakaiba pa rin ang mga ito.
Aniya, sa panig kasi ng NPA ay patuloy nila itong nahihikayat na kusang loob na sumuko sa pamahalaan.
Bukod sa mataas na bilang ng mga NPA na sumusuko sa pamahalaan, maraming miyembro na rin ng Abu Sayyaf Group ang sumusuko sa mga otoridad.