Isiniwalat ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang sabwatan ng mga tinatawag na ‘ninja cops’ at ‘ninja informants’ ang ginagawang deklasyon ng mga ito sa mga nasasabat na droga sa bawat operasyon.
30% lang umano ang idinedeklara at ang iba ay ikinoconvert na sa pera.
Ayon pa kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Barbers, ipinagbigay alam raw ng ilang matataas na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Drug Enforcement Group na ang 70% ng nasasabat na droga ay itinatago at nirerecycle kalaunan upang mas kumita ng pera.
“May nagsabi sa akin na may kunchabahan na ngayon ang mga “ninja-cops” at “ninja-informants” na mag-deklara lang ng 30 porsyento sa bawat malalaking huli ng illegal na droga. Kung totoo ito, ito’y isang karumal-dumal na gawain ng ating mga tiwaling anti-drug law enforcers,” ayon pa kay Rep. Barbers.
Ang nangyayaring ito raw sa loob ng mga ahensyang may hawak sa nasabing operasyon ay tumagal na ng halos 20 taon.
Kung matatandaan nga ay isiniwalat ni PDEA chief Moro Lazo na mayroong dalawang PDEA informants na nag alok ng malaking “trabaho” kaugnay ng laban sa droga.