-- Advertisements --
Domantas Sabonis USATSI1

Pinahiya ng Sacramento Kings ang katunggali nitong Washington Wizards score na 132-118.

Pinangunahan ni Domantas Sabonis ang Kings at tumipa ito ng kabuuang 30 points 9 rebounds at 9 assist habang si Terence Davis naman ay nag-ambag ng 21 points.

Apat na manlalaro ang umiskor ng double figures para sa Kings at ito ay sina Keegan Murray 19 points, Malik Monk 19 points, De’Aaron Fox 12 points habang 11 points naman para kay Harrison Barnes.

Nabigo naman si Kyle Kuzma na buhatin ang Wizards at pomoste sana ito ng 33 points habang 20 points naman kay Bradley Beal.

Ang naturang paghaharap ay sinaksihan ng libo-libong NBA fans.