-- Advertisements --

Nakatakda nang magbalik sa Maynila ang mga tropa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na idineploy sa Marawi City na tumulong sa militar para makipaglaban sa mga teroristang Maute.

Ayon kay PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa, mga miyembro sila ng PNP-SAF sa pamumuno ni P/dir. Benjamin Lusad na nagsilbing “silent operators.”

Nangangahulugan ito na hindi lagi naha-highlight ang kanilang mga accomplishment dahil nagtatrabaho ang mga ito kasama ang militar.

Maganda aniya ang feedback na kaniyang nakukuha mula sa mga military commander kaugnay sa SAF troopers lalo na sa kanilang work ethics kaya kaniya raw itong bibigyan ng parangal.

Ibinunyag nito na nasa pitong pulis ang napatay habang 61 ang sugatan sa limang buwang Marawi operations.

Balik na rin sa kanilang headquarters ang mga SAF troopers.