-- Advertisements --

CEBU CITY -Malaki ang naitulong sa presensya ng mga tropa ng Special Action Force(SAF) na mapalakas ang kampanya sa lungsod ng Cebu na labanan ang pagkalat ng coronacirus disease.

Ito ang naging pahayag ng overseer ng Inter-agency Task Force Cebu, Secretary Roy Cimatu kasabay ng send-off ceremony na isinagawa sa Barangay Tisa National High School para sa mga elite troops na ipinadala nitong lungsod simula noong buwan ng Hunyo.

Dagdag pa, nakakatulong din umano ang koordinasyon at tamang pagpapatupad ng mga plano mula sa pinakamataas na taong in-charge hanggang sa nagpapatupad upang bumaba ang mga kaso sa lungsod.

Pinuri rin ni Cimatu ang tropa sa pagiging COVID-free hanggang sa katapusan ng kanilang augmentation kung saan ni isa sa 151 ng mga ito ay walang nagpositibo.

Samantala sa kanyang talumpati, nagpapasalamat naman si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa mga miyembro ng SAF sa kanilang serbisyo.