-- Advertisements --
hong kong teargas protests

Ipinauubaya na ng ilang mga Pinoy sa Hong Kong ang desisyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung dapat ba o hindi dapat magpatupad ng deployment ban sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mar de Guzman mula sa Hong Kong, sinabi nito na mas nakakaalam ang gobyerno ng Pilipinas sa mga dapat na hakbang na gagawin lalo na at may komunikasyon sila sa kanilang counterpart sa tinaguriang semi-autonomous region ng China.

mar de guzman HK
Mr. Mar de Guzman in Hong Kong

Pero sa ngayon wala pa naman daw ginagawang hakbang ang pamahalaan ng Hong Kong ukol sa isyu sa pagtanggap ng mga overseas workers.

Una nang inamin ni Labor Sec. Silvestre Bello na kanilang pinag-aaralan kasama ang DFA ang magdeklara ng alert level lalo na kung may kaguluhan na maaaring makaapekto sa mga Pinoy workers.

Iniulat naman ni De Guzman na sa kabuuan ay safe ang mga OFWs sa Hong Kong at may mga lugar lamang na sentro ng malawakang kilos protesta.

Note: Pls click above audio interview with Mr. Mar de Guzman

Ang lugar din naman ng demonstrasyon ay inaanunsiyo rin ng mas maaga para sa kaalaman ng lahat.

hong kong rallies 1

Aniya, hindi rin daw pinababayaan ng kunsulada ng Pilipinas ang mga OFW sa Hong Kong sa mga paalalala tulad na lamang na ‘wag magsusuot ng kulay itim o puti na damit para hindi mapagkamalan na protesters tulad sa nangyari sa isang Pinoy na inaresto nitong nakalipas na araw.

Una rito, nitong nakaraang Lunes ay sumama na rin ang mahigit sa 2,000 mga aviation workers pati mga piloto na nagwelga makaraang manawagan ang mga pro-democracy protesters ng general strike.

Nagdulot tuloy ito nang pagka-stranded ng maraming mga pasahero maging sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ilang mga turista ang nangangamba na rin na magtungo sa Hong Kong dahil sa namamayaning tensiyon.

hong kong 5

Ang mga Pinoy sa Hong Kong ay itinuturing na largest ethnic minority workers na tinatayang umaabot sa 130,000.