Tuluyan nang sinuspindi ng Maritime Industry Authority ang safety certificate ng passenger ship na M/V Filipinas CDO na tumagilid sa Laguindingan, Misamis Oriental sakay ang mahigit 400 mga pasahero kabilang na ang mga bata at sanggol.
Sa isang statement ay sinabi ng MARINA na ito ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act No. 9295 at mga implementing rules and regulations nito, gayundin sa Marina Memorandum Circular MS 2023-01&203, at Administrative Order No. 13-16 nang dahil sa pagiging kuwestiyonable ng seaworthiness ng naturang barko.
Mananatiling epektibo ang naturang suspensyon hanggang sa matapos ang isinasagawang survey inspection at evaluation ng mga otoridad sa nangyaring insidente.
Matatandaang una nang ipinag-utos ng Philippine Coast Guard ang pagsasagawa ng inspeksyon sa naturang insidente upang alamin kung ano ang naging sanhi nito.