Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magiging ligtas sa ano mang aberya ang gagamiting balota sa nalalapit na 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa pag-iimprenta raw kasi ng Comelec ng mga balotang gagamitin sa halalan ay maglalgay ang mga ito ng serial numbers.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, na ang katwiran daw sa paglalagay ng serial number ay rationale ay dahil na rin sa plano ng poll body na ilipat ang petsa sa paghahain ng certificates of candidacy (CoC) para sa halalan sa Disyembre 5.
Ayon kay Garcia, kailangan daw ilipat ang petsa ng pag-imprenta ng mga balota dahil nasa National Printing Office (NPO) na raw ang mga ito at sila ang may papel sa ballot printing.
Kasama raw sa mga bagong feature sa mga balota ay ang ascending serial number sa mga balota na makikita lamang sa ating paper money.
Dagdag ni Garcia, sisimulan na rin daw ng Comelec ang printing ng mga balota para sa plebesito na isasagawa sa Ormoc City.
Pagkatapos nito ay sisimulan na rin nila ang pag-imprenta ng balota na gagamitin sa halalan sa Disyembre.
Kung maalala, kaninang umaga lamang ay pumirma ang NPO at Comelec ng memorandum of agreement para sa printing ng mga official ballots at accountable forms para sa isasagawang plebesito sa Ormoc City.