-- Advertisements --

SEOUL, South Korea – Pinatitiyak ni South Korea acting President Choi Sang-mok ang pagpapatupad ng emergency safety inspection sa lahat ng airline operations, isang araw makaraang masawi ang 179 katao sa nangyaring Jeju plane crash.

Hinimok ni Choi na magsagawa ng mahigpit at masusing inspeksyon sa lahat ng operasyon ng airline sa kanilang bansa.

Giit nito, bawat buhay na nawala ay ipinagluluksa ng buong South Korea kaya giit niyang hindi na dapat maulit pa ang nasabing trahedya at maiwasan na ito sa hinaharap na panahon.

Una rito, nag-crash ang Jeju Air plane sa Muan International Airport na ikinasawi ng lahat ng pasahero habang nakaligtas lamang ay dalawang crew members ng eroplano.

Humingi na rin ng public apology ang ‘airline bosses’ sa ginanap na press conference kasunod ng malagim na trahedya.