CENTRAL MINDANAO-Ginawaran ng safety seal Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang LGU-Datu Montawal Maguindanao.
Itoy matapos na maipasa ang mga health and safety protocol upang maiwasan ang pagkakaroon ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na ang tatak ng kaligtasan na natanggap ng lokal na pamahalaan ng bayan ay ginagarantiyahan ang pagsunod nito sa itinakdang kalinisan, pamantayan sa kalinisan at mga protokol na pangkalusugan.
Laging naglilibot ang Alkalde sa mga tanggapan ng pamahalaan sa bayan ng Datu Montawal at 11 Barangay upang alamin kung patuloy na namomonitor ang mga patakaran sa pagiging malinis at nakasusunod sa umiiral na health protocols.
Tiniyak ni Montawal na ang mga tanggapan na madalas bisitahin ng taxpayers at senior citizens ay magiging ligtas at nakasusunod sa health standards.
Hinimok ng opisyal ang mga kawani ng LGU-Datu Montawal na gawing kaaya-aya at ligtas ang lugar ng kanilang trabaho para sa pakikipagtransaksyon sa mga residente sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayang minimum health protocols na itinakda ng pambansang pamahalaan.