-- Advertisements --
Tiwala ang Makati City Government na tataas ang bilang ng mga negosyo na magbubukas matapos ang paglulunsad ng Safety Seal Certification.
Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay at ilang mga negosyante sa lungsod ang Safety Seal certification launching.
Layon ng nasabing safety seal ay para sa mga negosyante na papayagang mabigyang ng karagdagang bilang ng customer na papapasukin sa kanilang mga negosyo gaya ng mga kainan at ibang establishiemento.
Ang safety seal ay nagpapakita ng compliance ng establishimento na sumusunod sa minimum public health standard na inilunsda ng national at local government.