-- Advertisements --
Walang pag-alinlangan na kinain ni Chinese-born crypto founder Justin Sun ang saging na ikinabit sa dingding ng duct tape.
Siya kasi ang nakabili sa auction ng nasabing art na nagkakahalaga ng $6.2 milyon.
Sa harap ng mga mamamahayag ay kinain niya ang saging na isang ‘iconic’.
Sinabi nito na mas masarap ito kaysa sa ibang saging.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay naibenta sa Sotheby’s auction sa New York ang artwork na tinawag na “Comedian” na gawa ng Italian artist na si Maurizo Cattelan.