-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $6.2milyon o katumbas ng mahigit P365-M ang isang saging na kinabitan ng duct tae.
Ang provocative artwork ni Maurizio Cattelan ay ikinabit sa dingding ay maituturing na pinakamahal na prutas na naibenta.
Ayon sa Sotheby’s auction sa New York na hindi nila inaasahan na mabibili ito ng apat na beses na mas mahal kaysa sa estimated price nila.
Ang art ay gawa ng Italian visual artist at tinawag na”Comedian” installation.
Una itong ipinakilala sa publiko noong 2019 at ito ay naging viral na nagbunsod ng iba’t-ibang debate.
Bumiyahe na ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo kung saan mayroon itong instruction kung paano mapalitan ang saging tuwing ito ay nabubulok.