-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Masayang tinanggap ng abot sa 55 mga benepisyaryo ng unang ratsada ng UnladKabacan: Sagip Buhay Program.

Ayon kay Kabacan Cotabato Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ito ay bagong programa na napapaloob sa Unlad Kalusugan. Tumanggap ng sampong libong cash assistance ang mga benepisyaryo.

Sa isang mensahe ni Gng. Peregrina Vergara ng Brgy. Osias, lubos na makakatulong ang kaloob ni Mayor Guzman lalo pa’t malaki ang maitutulong ng nasabing ayuda.

Ang programa ay nakatuon sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis at chemotherapy.

Kaugnay nito, nangako ang mga konsehal na sina Cons. Fathma Guiabar, Cons. Leah Saldivar, IPMR Rep. Daniel Saliling, at ABC President Evangeline Pascua Guzman na magpapatuloy ang ayuda at hindi rito nagtatapos ang programa.

Samantala, namahagi din ng wheelchair at baston si Mayor Guzman sa mga dumalong lubos na nangangailangan.