-- Advertisements --

Muling hinamon ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia na ipaliwanag ang sinasabing umano’y pagmamay-ari ng opisyal sa dalawang offshore bank account sa Cayman Islands.

Sa isang press conference kahapon , sinabi ni Marcoleta na ang kanyang verification team ay humingi ng tulong sa isang volunteer mula sa New York sa United States (UU) na gumawa ng bank transfer na $100 bawat isa sa dalawang offshore bank account na sinasabing pag-aari umano ni Garcia.

Batay sa mga resibo mula sa Chase for Business na ipinakita ng mambabatas, ang mga account ay nasa ilalim ng pangalan ng isang “George Erwin Mojica Garcia” na may address sa Makati City.

Giit ng mambabatas, malinaw na nagmamay-ari ng si Garcia ng dalawang offshore bank accounts .

Itinanggi naman ni Garcia ang naturang alegasyon at tinawag ito na demolition job laban sa kanya.

Kinuwestyon rin ni Garcia ang isinagawang beripikasyon ni Marcoleta.

Ayon kay Garcia, tatanggapin ng bangko ang deposit kapag pareho ang account number kahit magkaiba ang pangalan ng mismong account holder.

Nilinaw rin nito na hindi siya magreresign dahil lamang sa fake information at maling paratang.