-- Advertisements --
jimmy butler 2
Jimmy Butler, Miami’s main man in Game 3 (@MiamiHEAT)

Usap-usapan ngayon ang ginawa umanong pambubulyaw ni Jimmy Butler kay LeBron James matapos ang panalo ng Miami Heat sa Los Angeles Lakers sa Game 3 ng NBA Finals.

Inamin ni Butler sa press conference na sinabihan daw niya si James nang “you’re in trouble.”

Makikita ito sa video nang sinalubong si LeBron ni Butler nang iposte ang ika-40 niya puntos sa pamamagitan ng layup.

Paliwanag naman ni Butler ang kanyang ginawa ay sagot lamang sa ginawa rin sa kanya ni LeBron.

Kuwento pa ni Butler, matapos daw ang first quarter at nahabol sila ng Lakers ito rin daw ang ipinamukha sa kanya ni James.

Giit ni Butler ayaw niya ng “trash talking.”

Ang ginawa daw niya ay ibinalik lamang ang sinabi sa kanya ng Lakers star.

“LeBron said it to me at the end of the first,” ani Butler. “I just said it to him in the fourth quarter.”