-- Advertisements --
Ronald bato dela Rosa

Nanindigan si Sen. Ronald dela Rosa na hindi siya magbibitiw sa pwesto sa kabila ng panawagan ng mga netizen sa social media na magbitiw na lamang ito at maging body guard na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging puppet o sunod-sunuran umano nito sa administrasyon.

Sa panayam kay Dela Rosa sa Camp Crame sumenyas ito ng “belat” habang tinatanong ng media at sinabing wala syang pakialam sa opinyon ng iilan.

Pagmamalaki ni Dela Rosa, kung mayroong mga may ayaw sa kanya, ito ‘yaong mga hindi bomoto sa kanya noong eleksyon pero hindi na ito mahalaga dahil mas marami namang mga Pilipino ang bomoto sa kanya.

Giit ng senador, tama lang naman ang pagiging “loyal” niya sa presidente dahil ang Pangulo ang kumakatawan sa Pilipinas.