Hiniling ni dating Sen. Rene Saguisag sa namayapang si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. na sabihin sa kanyang pumanaw na asawang si Dulce na tinupad nito ang kanyang pangako sa kanya.
Sa isinagawang necrological service sa Senado para kay Pimentel, kumanta pa si Saguisag ng isa sa mga paboritong awitin ng namayapang senador na “You are my Sunshine.”
Sinabi ni Saguisag na kung sakaling magkita sila ni Dulce, pakisabi sa kanya na hindi siya kailanman tumingin ng iba pang babae, sabay kindat na umani ng tawanan sa Senado.
Magugunitang nasawi si Dulce noong 2007 nang mabangga ng Isuzu dump truck ang sinasakyan nilang mag-asa sa Osmeña Highway.
Kasabay nito, inalala ni Saguisag ang naging trabaho nila ni Pimentel bilang hguman rights advocates.
Pinasalamatan din ni Saguisag ang inilatag na halimbawa ni Pimentel sa paninilbihan sa publiko.