CAUAYAN CITY- Nagkasagupa ng Charlie company ng 86th Infantry Battalion ang hindi pa matukoy na bilang ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng San Mariano Sur, San Guillermo Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jekyll Dulawan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na dakong 10:30am ng maka engkwentro ng charlie Company ng 86th IB ang grupo ng NPA.
Bago ang engkwentro ay nagtungo sa barangay San Mariano Sur ang mga sundalo para tugunan ang mga natatanggap na sumbong mula sa mga residente may kaugnayan sa presensiya ng makakaliwang grupo.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa ang isinasagwang clearing operation sa lugar kung saan naganap ang engkwentro para masiguro ang seguridad sa lugar at para mangalap ng mga karagdagan pang impormasiyon.
Pabor naman para sa militar ang pakikipag-tulungan ng mga residente sa naturang barangay para maipagbigay alam sa mga kinauukulan ang presensiya ng rebeldeng grupo sa kanilang nasasakupan.
Sa ngayon hindi pa matukoy kung anung grupo ang nasa likod ng engkwentro subalit malaki ang hinala ng militar na ang mga nakasagupang NPA ay mga nalalabing miyembro ng makakaliwang grupo na kumikilos sa Southern Isabela at Central Isabela.