Hinimok ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino ang mga opisyal ng KAPA na sa kanilang tanggapan magpaliwanag at hindi sa mga rally o iba pang aktibidad.
Matatandaang kagabi ay libu-libong nagpapakilalang Kabus Padatuon (KAPA) members ang nag-prayer vigil sa Quezon Memorial Circle, kasama ang ilang opisyal na umaktong organizers ng event.
Ayon kay Aquino, inaasahan na nila ang mga ganitong gawain para pagsikapang mabago ang desisyon ng SEC na baliktarin ang closure order, maging ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa organisasyon.
Kaya naman, nais ng SEC na magkaroon na ng ibayong financial literacy programs hindi lamang sa mga nalolokong miyembro, kundi maging sa mga lokal na opisyal at law enforcers.
Hindi na raw nagulat si Aquino sa mga sinasabi ng KAPA members na igiit ang pagiging lehitimo ng organisasyon dahil lamang sa payout na 30 percent at patung-patong na pangako at claims na may pinatutunguhang negosyo ang kanilang investment na tinatawag na donasyon sa lenguwahe ng kontrobersyal na grupo.
“KAPA is running a scam. The financials do not show that it has the capability to deliver except to rely on new investors to bring in their money. And we have to put a stop to it otherwise, there will be more victims who will be recruited and then bringing in their money and ultimately, it will collapse,†wika ni Aquino.