-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Pope Francis ang planong pagbabawas sa mga sahod ng mga cardinals at pari bilang bahagi ng pagtitipid.

Simula Abril 1 ay mababawasan ng 10 percent ang sahod ng mga cardinals habang tatlong porsyento naman ang ikakaltas sa sahod ng mga pari.

Nakasaad din sa apostolic letter na babawasan rin ng walong porsyento ang mga sahod ng mga department heads at secretaries ng dicasteries.

Ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang pagtatanggal ng mga tao.

Labis aniyang naapektuhan ang Holy See sa COVID-19 pandemic.

Ipinatupad din ng Santo Papa ang two-year freeze sa seniority pay increases sa lahat ng mga empleyado maliban lamang sa mga may mababang posisyon.

Mula noong umupo ang Santo Papa noong 2013 ay inaayos na nito ang mga kalagayan ng pinansiyal ng Holy See ang governing body ng Simbahang Katolika.