-- Advertisements --

Iniulat ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang mahigit sampung sasakyan na kanilang nahuli dahil sa ibat-ibang paglabag.

Mula ito sa mga isinagawang random inspection sa mga public utility vehicle na pumapasada.

Ayon sa ahensya, naging katuwang nila sa pagsasagawa ng operasyon ay ang mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kanilang sinuyod ang ilang lugar sa QC kabilang na ang A. Bonifacio Avenue, Cloverleaf at Project 7.

Mula sa isinagawang operasyon , nahuli ang limang sasakyan para sa paglabag sa illegal parking na nakakasagabal sa daloy ng mga sasakyan.

Nahuli naman ang dalawang sasakyan dahil sa walang habas na pagmamaneho , isang walang rehistro at ang isa ay mayroong problema sa handbrake.