-- Advertisements --

Wala pa ring patid ang isinagawang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation laban sa mga motorista na iligal na dumadaan sa Edsa Busway.

Kaugnay nito, isang motor rider ma mayroong sticker ng House of Representatives ang hinuli ng naturang grupo.

Ito ay kanilang pinagmulta matapos na hindi makalusot sa kanilang mga tauhan.

Resulta ito ng kanilang muling ikinasang operasyon sa may bahagi ng EDSA-Santolan sa! Crame at Kampo Aguinaldo.

Naaktuhan ang ginawang pagdaan ng naturang rider ngunit hindi ito kusang lumapit para ipresenta ang kanyang sarili at iniwasan ang kanilang mga tauhan.

Bukod sa naturang rider, maraming bilang rin ng mga motorista ang kanilang nahuli ay binigyan ito ng multa.