-- Advertisements --

Pinayagan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang motorista na dumaan sa EDSA busway nitong Marso 20 sa bahagi ng Quezon City bilang dagdag assistance sa kaniyang misis na nagle-labor sa mga oras na iyon.

Ibinahagi ng SAICT na kinumpirma muna nila na isang emergency ang dahilan ng motorista base na rin sa nakitang kondisyon ng babae na siya namang inilarawan ng mga enforcers na nakakaranas ng matinding pagpapawis.

Agad naman na nagbigay daan ang mga otoridad na nasa lugar para sa mas mabilis na pagpapadala sa mag-asawa sa pinakamalapit na pagamutan.

Samantala, naganap naman ang insidente habang implementasyon ng isang enforcement operation kung saan nakapagisyu ang Special operations Group (SOG) ng 48 na Temporary Operators Permits (TOP) at nakapagtala rin ng 55 violations na kinasasangkutan ng 44 na motosrsiklo at 4 na pribadong mga sasakyan.

Sa kasalukuyan maayos na ang kalagayan ng misis at anak na batay sa latest na update ng SAICT ay maayos na nakarating sa ospital.