-- Advertisements --

Mananatiling sarado muna ang National Shrine of Saint Jude Thaddeus o Saint Jude Parish sa Maynila hanggang January 14 ng taong kasalukuyan.

Kinumpirma sa anunsiyo ng simbahan na isang pari ang nagpositibo sa COVID-19 at tatlo pa nilang personnel.

Habang nakasara ang simbahan, isasagawa na rin ang masusing disinfection at sanitation.

Dahil dito ang mga deboto ay pinakiusapan na ‘wag munang magtungo sa lugar.

Ang naturang abiso ay nagmula kay Rev. Fr. Lino Nicasio, SVD, na siyang parish priest at shrine rector.

Ang simbahan ng Saint Jude Parish ay malapit lamang sa Malacanang at popolar ito bilang patron saint ng mga may problema o “hopeless cases.”

Dati na itong dinarayo noon pa man lalo na ng mga estudyante na kukuha ng pagsusulit o board exams para sa weekly novena na isinasagawa tuwing araw ng Huwebes.