-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Bagamat walang naitalang pagbabaha sa mga residential areas sa bayan ng Kabacan Cotabato batay sa ulat ni MDRRM OIC Rosalie Budoy kay Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman, hindi naman nakaligtas ang ilan sa sakahan sa bayan.
Dalawang barangay na aabot sa 145.5 ektarya ng sakahan mula sa Brgy. Bangilan at Bannawag ang apektado ng baha bunsod ng pag-apaw ng Dalapuan Creek dala na rin ng malakas na buhos ng ulan.
Nabatid namang ang mga naapektuhang sakahan ay nasa reproductive stage, seed bed, mature stage, at ang iba for harvest stage na.
Samantala, patuloy parin ang monitoring ng MDRRM kasama ang Mun. Agriculture office sa mga barangay ng bayan.