Nilinaw ngayon ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na pawang mga mangingisda at hindi militiamen ang sakay ng mga Chinese vessels na nasa Pag-asa Island, ang teritoryong inaangkin at okupado ng Pilipinas sa South China Sea.
Sa kanyang courtesy call kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Malacañang, sinabi ni Amb. Zhao na katulad ng mga mangingisdang Pilipino na nasa Pag-asa Island, mayroon din silang mga mangingisda sa lugar.
Ayon pa kay Amb. Zhao, ang lumabas na ulat na nasa 600 mga Chinese vessels ang nasa paligid ng isla ay kinakailangan pang beripikahin.
Inihayag din nitong hindi mga militiamen o armado ang mga mangingisdang nasa Pag-asa Island na kilala ring Thitu Island.
“Today I read in newspaper that the defense secretary has already made public statement that it’s an exaggerated report. As for what is actually happening we are there, we are cooperating with the Filipino side to verify if there is any truth to that kind of report,” ani Amb. Zhao.