-- Advertisements --
LAOAG CITY – Inihayag ni Eng. Peter Matthew Fowler, registered chemist na tabong Sarrat, Ilocos Norte na ang dumi ng tao na itinatapon sa ilog ang pinagmumulan ng sakit na polio virus at poliomyelitis.
Sinabi ni Fowler na ang pangunahing naapektuhan ng virus ay ang mga batang may edad na lima pababa.
Iginiit ni Fowler na pwedeng maisalin ang virus sa pamamagitan ng pagbahing at maduming paligid.
Samantala, sinabi pa ni Fowler na ang bagong virus at pinangalanan ng vaccine derived polio virus mula sa dating tawag na wild type virus noong 1993.
Dagdag ni Fowler na ang nasabing virus ay makukuha lamang sa pamamagitan ng human transmission at hindi sa mga hayop na nasa ilog o tubig.