-- Advertisements --

Umapela si Agriculture Sec. William Dar sa publiko na hayaan sanang magtrabaho ang kanilang mga tauhan, bilang pagtugon sa problema sa mga babuyan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng kaniyang pagdalo sa Senado at sa inaaning pagpuna ng DA dahil sa kakulangan ng transparency sa ilang ginagawang hakbang ng ahensya.

Bago ito, inamin ni Dar sa Bombo Radyo na hanggang ngayon ay wala pang resulta ukol sa pagsusuri sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng ilang baboy sa lalawigan ng Rizal.

Hiling nito sa iba’t-ibang sektor na iwasan ang paglalabas ng espikulasyon na maaaring makaapekto sa swine industry ng ating bansa.