MANILA – Inamin ng isang health expert na posibleng sintomas ng impeksyon sa Delta variant ng COVID-19 ang sakit ng ulo.
“In the UK they have this COVID-19 application (called Zoe), symptoms app siya. It tracks daily symptoms of patients that developed COVID-19 infection via a Smartphone,” Dr. Eva Cutiongco-Dela Paz, Executive Director ng UP National Institutes of Health.
“Ang nakita nila dito it has changing symptoms of the new variant, ang headache ang lumalabas na number one symptom.”
Kabilang sa mga kilalang sintomas ng COVID-19 infection ang ubo, sipon, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy.
Ang Delta o B.1.617.2 variant ay unang natuklasan sa bansang India. Taglay daw nito ang mga “mutation” o pagbabago sa anyo na nagpalakas sa kakayahan nitong makahawa.
“Dati ang sinasabi yung Alpha (B.1.1.7) variant ay 40 to 50% more transmissible than the original SARS-CoV-2 na na-identify sa Wuhan.”
“Pero yung Delta, currently accounting more than 91% of UK COVID-19 cases, is around 60% more transmissible than the Alpha variant.”
Bukod sa sakit ng ulo, may mga datos din daw sa Southeast China kung saan mas lumala ang COVID-19 infection ng mga dinapuan ng Delta variant.
Maraming kabataan din umano ang mas tinatamaan ng Delta variant, kumpara sa orihinal na anyo ng virus.
“Itong younger people, they mistake it for as common bad cold they’re likely not to self isolate kasi di nila iniisip na yung symptoms that they have is related to COVID-19.”
Ayon pa kay Dr. Dela Paz, may inisyal na ebidensya na rin tungkol sa mas mataas na tsansa ng pagkaka-ospital, pagsugod sa intensive care unit, at pagkamatay ng mga infected ng Delta variant.
“People with underlying conditions were at greater risk of being hospitalized.”
VACCINE EFFICACY
Batay sa datos ng World Health Organization, 85 bansa na sa buong mundo ang nakapagtala ng kani-kanilang kaso ng Delta variant.
Kabilang na rito ang Pilipinas na may 17 kaso mula sa mga returning overseas Filipinos.
Sa kabila nito, sinabi ni Dr. Dela Paz na nananatiling epektibo na panlaban sa Delta variant ang pagpapaturok ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Isa kasi sa katangian ng bagong coronavirus variant ang labanan ang bisa ng mga bakuna.
“People who had received a COVID-19 vaccine were less likely to be admitted to a hospital with the Delta variant compared to unvaccinated individuals,” nakasaad sa pag-aaral na naka-publish sa The Lancet.