-- Advertisements --
Duterte riding motor
Duterte riding motor/ Sen Go FB image

VIGAN CITY – Naniniwala ang isang political analyst na si Ramon Casiple na hindi makakaapekto ang iniindang sakit ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamamahala sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Casiple na hindi naman umano kailangan ni Pangulong Duterte na magtungo sa iba’t ibang opisina dahil ang tanging trabaho lamang nito ay magdesisyon para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

Binigyang-diin ng nasabing political analyst na una pa lamang ay sinabi na sa publiko ng Pangulo na matanda na ito at marami ng iniindang sakit.

Ayon kay Casiple maaaring ang aksidenteng nakasangkutan ng Pangulo sa loob ng Malacañang ang nagpalala sa dati na nitong iniindang sakit sa katawan.

Kagaya naman ng karamihan, pinayuhan nito ang Pangulo na magpahinga muna at huwag isipin ang mga nakabinbing trabaho sa kaniyang opisina