-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Kumpirmadong komplikasyon sa kidney ang dahilan ng pakamatay ni Benguet Rep. Nestor Bagtang Fongwan Sr.

Inihayag ito ni Benguet Governor Melchor Diclas at sinabi niyang nagpagamot ang kongresista sa National Kidney Institute sa Quezon City.

Sinabi naman ng anak ng kongresista na si Benguet Board Member Nestor Fongwan Jr. na dinala na sa Guadayan, Puguis, La Trinidad, Benguet ang labi ng opisyal.

Ayon kay Gov. Diclas, isasagawa ang maraming aktibidad para makilala ang kabayanihan at mga nagawa ng kongresista lalo na ang malaking ambag nito sa pag-unlad ng Benguet.

Maalalang namatay ang congressman noong Disyembre 18, Miyerkules sa edad na 68.

Matagal na nanilbihan si Fongwan Sr. bilang konsehal ng La Trinidad, Benguet partikular noong 1988-1992 at naging bise mayor ng bayan noong 1992-1995.

Naging three-term mayor din ito ng La Trinidad mula 1995-2001 at 2004 hanggang 2007 at naging gobernador ng Benguet mula hanggang 2007-2016.

Kilala si Fongwan Sr. sa tawag na “action man” dahil sa laging presensiya nito lalo na sa pagresponde sa panahon ng mga kalamidad at emergency.