Puspusan pa rin ang isinasagawang clean-up activities ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda ngayong La Niña.
Sako-sakong mga basura na nasa 160 sa Pasig City, habang nasa 45 naman sa Navotas, at isang sako sa Marikina ang nakolekta ngayong araw ng mga kawani ng MMDA, kasama ang iba pa mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, barangay, at iba’t ibang mga grupo.
Ang nasabing aktibidad ay inilunsad bilang pakikiisa sa KALINISAN sa Bagong Pilipinas Cleanup Drive na may layunin masiguro ang kalinisan at wastong pamamahala ng basura para sa kaayusan ng Bagong Pilipinas.
Hinihikayat naman ng MMDA ang publiko na makiisa sa pagsusulong ng kahalagahan ng malinis at ligtas na komunidad.
Habang patuloy rin ang paalala ng ahensya na panatilihing laging malinis ang daluyang tubig, maliit man daw o malaki upang hindi ito maging sanhi ng pagbaha sa mga lansangan at pagbara sa mga daluyan ng tubig lalo na sa tuwing malakas ang ulan