Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) na kanila nang pinalalawak ang saklaw ng kanilang mga inclusive education programs.
Sa ginanap na launching ng 2020 Global Education Monitoring (GEM) Report, sinabi ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio na itinutulak nila ngayon ang pagkakaroon ng one-stop shop policy sa kada eskwelahan para sa paghahatid ng mga programa at serbisyo sa mga mag-aaral.
“This means that every school should offer inclusion programs if they have learners in the school who need these programs,” wika ni San Antonio.
Ayon kay San Antonio, ang expansion ng inclusive education programs ay nagresulta sa pagtaas ng enrollment ng mga estudyanteng may kapansanan sa huling tatlong taon.
Kabilang sa mga programa ng DepEd na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa marginalized sector ang Special Education para sa mga learners with disabilities, Madrasah education para sa mga Filipino Muslims, Indigenous Peoples’ Education, at ang Alternative Learning System para sa mga out-of-school youth.
Paglalahad pa ng opisyal, pinapalawak din ng kagawaran ang access sa mga secondary schools sa pamamagitan ng pag-convert sa mga elementary schools na nasa mga liblib na lugar para maging integrated schools na may kumpletong pasilidad at mas pinagandang learning environment.
Nakikipag-ugnayan na rin daw ang DepEd sa mga ahensya ng pamahalaan at sa mga non-government organization upang paghusayin pa ang impelentasuon ng inclusion programs.