-- Advertisements --

ILOILO CITY – Natagpuan na nasa advanced state of decomposition na sa loob ng balon ang bangkay ng isang lalaki na dalawang linggo nang nawawala sa Balasan, Iloilo.

Ang biktima ay si Joshua Bandojo, 19, residente ng Batuan sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Ramon Elambre, imbestigador ng Balasan Municipal Police Station, sinabi nitong dalawang linggo nang pinaghahanap ng pamilya ang lalaki dahil umalis umano itong hindi nagpaalam.

Iigib sana ng tubig ang isang magsasaka nang makita nito ang bangkay ni Bandojo.

Ayon sa pulis, palaisipan pa sa pamilya kung paano napunta sa balon ang biktima.

Napag-alamang may problema sa pag iisip ang lalaki, madalas tumulong sa simbahan at wala umanong kaaway sa lugar.

Isasailalim rin sa autaopsy ang bangkay nito.