Lumabas na ang resulta ng isinagawang autopsy examination sa bangkay ng 20-anyos na sakristan na natagpuang nakasubsob ang ulo at palutang-lutang sa isang ilog sa Barangay Anhawon, Panay, Capiz.
Kinilala ang biktima kay Joey Dumangon, at residente ng nasabing barangay.
Matandaan na ipinawagan ng kanyang pamilya ang nasabing binata dahil sobra 24-oras ng hindi nakauwi matapos na pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan kung saan isa ito sa mga ninong sa binyag.
Sa interview ng Bombo Radyo Roxas ka Arnel Distor, kaibigan at kasamang pumunta ni Joey sa nasabing bahay, sinabi nito na alas-11 ng gabi, araw ng Sabado, ng nag-umpisa ang kaguluhan sa bahay ng pamilya Azares, sa kaparehong barangay, kung saan, pinagtulungang bugbogin ng magkapatid na Azares na pawang mga lasing ang lasing din na biktima.
Dahil dito, sinabi ni Distor na sinalo niya ang mga bugbog ng magkapatid at pinatakbo ang Sakristan, palayo.
Dagdag pa dito nung dumating na ang mga pulis, hindi na nila nakita kun saan nagtago ang Sakristan dahil sa sobrang dilim na paligid at pinalilibutan ng Nipa ang lugar.
Kaumagahan na ng Linggo ng tumawag ang Ina ng biktima na si Josephine Dumangon sa cellphone ng kanyang anak dahil sa pag-alala na hindi ito nakauwi.
Dito at sinabi ni Distor na hindi na nakita si Joey matapos na pinatakbo nito para magtago.
Lunes na ng umaga ng matagpuan ang isa bangkay ng isang lalaki nga nakasubsob ang ulo at palutang-lutang sa isang ilog sa kanilang barangay, at positibong kinilala ng Ina ang kanyang anak na si Joey.
Sa naging pahayag naman ni Haide Azares, Ina ng tinuturong magkapatid na bumugbog sa Sakristan, sinasabing walang pambubogbog ang naganap sa kanilang okasyon, sa halip nagalit ang Sakristan dahil sa umanoy wala ng natirang sahog ang kanilang handa, at ito ang nag-umpisa ng gulo.
Kabaliktaran ito sa naging pahayag ng kaibigan ng biktima.
Ngunit, sa inilabas na autopsy examination sa bangkay ng biktima, sinabi ni PSSG Bryan Zen Bacay, imbestigador ng Panay MPS, na base sa isinagawang otopsiya ni Pol.Col. Joe Martin Fuentes ng Regional Crime Laboratory, lumalabas na binugbog ang biktima at nagkaroon ng blood clot sa ulo, at nalunod ang naging dahilan nga pagkamatay ng biktima.
Sa ngayon, desidido ang pamilya Dumangon na magsampa ng kaso laban sa tinuturong mga suspek.