CENTRAL MINDANAO – Bilang parte ng selebrasyon ng Kalivungan Festival ang Bangsamoro community ay makikiisa sa pagdiriwang upang ipakita ang kanilang masaganang kultura.
Magkakaroon ng Kulintangan Extravaganza kung saan tampok ang pagpapatugtog gamit ang kulintang na gawa sa gong at drum na sumisimbolo sa mahabang tradisyon ng mga kapatid na muslim sa larangan ng musika.
Magkakaroon din ng Sipa sa Manggis competition na isang katutubong bersyon na may kaparehang mekanika sa pambansang laro na Sepak Takraw.
Ang mga premyong ipamimigay sa Sipa sa Manggis ay ang sumusunod:
Champion – P30,000 1st runner up – P20,000 2nd runner up – P15,000 3rd runner up – P10,000
Samantalang tropeyo at cash prize naman ang matatanggap ng mga mananalo sa Kulintangan Extravaganza:
Champion – P12,000 with trophy 1st runner up – P9,000 with trophy 2nd runner up – P7,000 with trophy 3rd runner up – P5,000
Ang mga Bangsamoro mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Midsayap, Pikit, Aleosan, Alamada, President Roxas, Carmen, Banisilan, Kabacan, Matalam at Tulunan ang siyang lalahok sa mga paligsahan at makikiisa sa kasaganaan ng kulutura sa nasabing aktibidad.
Pangungunahan ng Office of the Governor for Muslim Affairs sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang nasabing aktibidad na isasagawa sa University of Southern Mindanao Playground, Kabacan, Cotabato sa darating na Agosto 31, 2022.