-- Advertisements --

Nagbuga ng abo ang Sakurajima volcano sa Kagoshima Prefecture sa Japan.

Ayon sa Kagoshima Local Meteorological Observatory, aabot sa 2,300 meter ang taas ng usok mulasa Minamitake summit.

Inilagay sa alert zone sa 2 kilometers radius sa kapaligiran ng Minamitake crater at Showa Crater na lumawak pa ito ng 2.4 kilometers malapit sa mga residential areas.

Ito rin ang unang pagkakataon mula June 16, 2018 ng magkaroon ng pyroclastic flows ng mahigit isang kilometro ang Sakurijima ayon na rin sa Fukuoka District Meteorological Observatory.