CENTRAL MINDANAO-Hindi matatawaran ang kasiyahan ng anim na retirees ng pamahalaang panlalawigan matapos silang handugan ng Salamat-Mabuhay Program sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Kabilang sa mga nagretiro na hinandugan ng naturang programa ay sina Mercedita C. Foronda mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), George D. Morrera at Joshua Retchie J. Almirante pawang mula sa PGO-Civil Security Unit, at Nestor E. Gallego, Loreto E. Estelloso at Edgar V. Mangulabnan mula sa Provincial Engineering Office.
Maliban sa plaque of appreciation, gold ring at wrist watch na natanggap ng mga retirado, naglaan din ng abot sa P900,000 na cash incentives ang probinsya para sa anim na retirees, kasama na ang P247,800 na love gift na inilaan naman ng Cotabato Provincial Government Employees Association (COTGEM) bilang sukli sa kanilang ilang taong pagbibigay ng serbisyo publiko.
Dinaluhan naman ito nina Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc at Provincial Administrator Aurora P. Garcia, bilang mga kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza na nagpaabot ng kanilang pagkagalak at pasasalamat sa mga retirado dahil sa dedikasyon at serbisyong ibinigay nito para sa ikauunlad ng lalawigan.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na sinaksihan din nina Provincial IP Mandatory Representative Arsenio Ampalid, mga department heads, mga empleyado ng kapitolyo at mga kamag-anak ng retirees.