CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ni Presidente Rodrigo Duterte ang salary increase ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa nitong taon.
Inihayag nito ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa panunumpa ng mga nanalong kandidatong lokal ng Cagayan de Oro na ginanap sa Xavier Estates, Upper Carmen sa lungsod kagabi.
Ayon sa Presidente na hindi dapat magalit sa kaniya ang mga guro dahil hindi sila kinakalimutan ng pamahalaan.
Nilinaw ni Duterte na kaniya lamang inuna ang salary increase ng mga sundalo at pulis dahil sa kanilang buwis-buhay na trabaho at malaki ang kanilang ginagampanan lalong-lalo na sa kampaniya ng gobyerno laban sa terorismo at illegal drugs.
“Ang sunod nga round karon would be the teachers… we’re working on it,” ani Pangulong Duterte.
Ang pagbisita ng Presidente ay kasabay nang kanyang pangunguna sa oathtaking ng local officials na mga miyembro ng partido PDP-Laban nakabase sa Cagayan de Oro City sa Xavier Estates Country Club.