-- Advertisements --

Pasado na sa Senado sa huling pagbasa ang Salary Standardization Law of 2019 (SSL V).

Nabatid na inabot ng hatinggabi ang sesyon ng mga senador upang bigyang daan ang bill na ito na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Sa bilang ng boto na 21 pabor, walang tutol at isang abstention, inaprubahan ang panukalang batas para sa umento na planong ibigay simula sa pagpasok ng taong 2020.

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kaya nag-abstain siya dahil mas gusto raw nito ang across-the-board na five percent increase.

Una rito, inaprubahan na rin sa Kamara ang panukala sa ikalawang pagbasa at inaasahang makalulusot na rin ngayong araw o bukas.

Batay sa bill, pinakamalaki ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Salary Grade 10 hanggang 15 habang pinakamaliit ang sa salary grade 23 hanggang 33.

Nasa 65 hanggang 87 percent ang itataas sa sahod ng public school teachers, bilang tugon na rin sa hiling ng mga ito mula pa noong umupo si Pangulong Duterte.