-- Advertisements --

Binawi na ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang mga kaniyang pagpabor sa bagong anti-terror bill.

Kasunod ito sa maraming mga nananawagan na ito ay ibasura.

Sa kaniyang sulat kay House secretary-general Atty. Jose Luis Montales, na pinapapalitan niya ang kaniyang boto sa abstention.

Paliwanag pa ng committee on ways and means chairman, na kaya niya pinalitan ang boto ay dahil sa kawalan ng bicameral conference committee meeting para matugunan ang mga problema sa nasabing panukalang batas.

Kapag wala aniyang bicameral conference ay walang pagkakataon ang kamara na tugunan ang anumang pag-aalinlangan sa batas.

Magugunitang inaprubahan ng lower house sa third and final reading ang anti-terror bill sa botong 168-36 na mayroong 29 abstention.