Hindi kinagat ni House Murang Pagkain Supercommittee Co-Chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district) ang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na wala itong kapangyarihan upang kontrolin ang presyo ng bigas.
Ayon kay Salceda nirepaso ng komite ang mga batas at lumabas na hindi totoo na walang magagawa ang DA upang kontrolin ang presyo ng bigas.
Sinabi in Salceda na ginawa ito ni dating Pangulong Elpidio Quirino noong 1948 bilang tugon sa malawakang hoaridng ng bigas.
Hinimok ni Salceda ang DA na hanapin ang mga batas na dekada ng pinagtibay at gamitin ang mga ito para tuldukan ang klima sa economic impunity sa rice market.
Giit ni Salceda dapat gamitin ang lahat ng kapangyarihan mula sa post-clearance inspections sa mga import warehouses, hanggang sa random inspections sa mga merkado.