Hindi pabor si House Ways and Means Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na tuluyang i ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Naniniwala kasi ang ekonomistang mambabatas na hindi mabuti ang tuluyang pag-ban sa nasabing sektor.
Sinabi ni Salceda sa sandaling ipatupad ang POGO ban, papatayin nito ang anumang mabuting pag-uugali sa nasabing sektor.
Dagdag pa ni Salceda, ganap rin buburahin ang insentibo ng mga legal at may lisensya na nag-ooperate.
Inihalimbawa ni Salceda ang local tobacco sector, kung saan kaniyang sinabi karamihan sa mga tips sa smuglling at illicit trade ay mula sa mga tax-compliant companies.
“Even if you ban POGOs completely, you will continue to face the kind of problems that cause any illegal foreign operations of any kind here: porous immigration, poorly-equipped intelligence and infiltration capabilities, law enforcement that does not speak Chinese,” pahayag ni Salceda.
Binigyang-diin ni Salceda,”Keep the Pagcor rules. Keep the POGO Tax Law, which at least sets what the government can do to apprehend offenders. Funnel some of the revenues towards law enforcement capabilities. That’s what we should do.”
Namayagpag ang POGO sa panahon ng Duterte administration.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga mambabatas ay isinusulong ang total POGO ban sa bansa dahil sa kinasasangkutang ibat ibang criminal activities nito.