Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda na bigyan ng panigabong 25 year franchise ang MERALCO.
Sa ilalim ng House Bill (HB) No.9793, ng mambabatas, binigyang diin nito ang kahalagahan ng Meralco na mapailawan ang malaking bahagi ng bansa kabilang na ang NCR.
Sa 2028 pa nakatakdang magtapos ang prangkisa ng Meralco ngunit ani Salceda mahalaga na mailatag na nag franchise renewal upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay at distribusyon ng kuryente.
Nagsisilbi ang Meralco sa may 38 lungsod at 73 munisipalidad sa Metro Manila, CALABARZON, Pampanga at Bulacan.
Nakapaloob naman sa panukala ni Salceda na pahintulutan ang Meralco na magbigay serbisyo rin sa adjacent o kalapit lungsod, munisipalidad, barangay ai probinsya kung hihingin ng mga residente.
Kahalintulad na panukala ang inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang House Bill 9813.