Kumpiyansa si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda sa kakayahan ng bagong talagang kalihim ng Department of Transportation na si Vivencio “Vince” Dizon.
Sa isang pahayag sinabi ni Salceda na anumang mga trabaho ang ibigay kay Dizon ay lagi nitong tinatapos kaya tiyak na magdodoble-kayod ito sa DOTr sa lalong madaling panahon.
Nakasisiguro rin ang kongresista na mabilis na lulusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Dizon.
Ayon kay Salceda, matagal na niyang kaibigan si Dizon at nakatrabaho niya ito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Salceda na madalas siyang humingi ng payo kay Dizon sa policy decisions at isang mahalagang kaalyado para sa pagpasa sa tax reform program sa Kongreso.
Pinasalamatan naman ni Salceda si Secretary Jaime Bautista na nagbitiw sa puwesto dahil umano sa isyu sa kalusugan.
Mababatid na sa February 21 magiging epektibo ang appointment kay Dizon bilang DOTr Secretary.
Ang appointment ni Dizon ay inanunsiyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin.