Nagpasalamat si House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisabatas ang Bulacan Ecozone Law kung saan siya ang may akda.
Ang unang bersiyon kasi ng nasabing panukalang batas ay na-veto sa simula ng administrasyong Marcos.
“We went through several back-and-forth communication with the Executive Secretary, with the economic agencies, and even with environmental agencies concerned with flooding. Study after study was made. We worked with the whole Bulacan delegation on amendments. It was extensive work. I’m elated that the President saw the merit in the work done, and registered no opposition to this version,” pahayag ni Salceda.
Ang Republic Act 11999, na nagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone (EcoZone) Freeport o ang Bulacan EcoZone at ang Bulacan Special Economic Zone and Freeport Authority (BEZA), ay naging batas noong Hunyo 13.
Ipinunto ng ekonomistang mambabatas na ang Bulacan Ecozone ay isang pagkakataon para maging tama ang pagpaplano ng lunsod.
Dagdag pa ni Salceda ang Bulacan Airport ang magiging pinakamalaking investment na ginawa sa Pilipinas kaya kailangan itong palibutan ng isang well-planned ecozone at maaari din na bumuo ng mga industriyang pang-export sa paligid.
Ayon kay Salceda ang mga paliparan ngayon ang pinakamabilis na daungan ng pagpasok ng mga kalakal sa mundo.
Giit ng House tax chief na ang mga pag-export ng electronics ay umuunlad sa paligid ng mga paliparan.
Giit pa ni Salceda na deserve na Bulacan na umangat.
Ang Bulacan ang mag-uugnay sa Maynila at Clark kaya kailangan nito ng urbanisasyon gaya ng pagtatayo ng mga kinakailangang imprasktraktura.
Binanggit din ni Salceda na nakikita niya ang “isang gross export potential na USD 200 bilyon para sa ecozone ng Bulacan.
Aniya, papataasin nito ang GDP ng hindi bababa sa P130 bilyon bawat taon, at ang halaga ng lupain ay hindi bababa sa P226 bilyon.
“That will create massive revenue gains in income taxes and property taxes, so the foregone revenue from tax incentives will get offset,” Salceda, the House tax chair, adds.
Naniniwala naman si Salceda na marami din ang nais mag invest sa Bulacan airport.
“I think a lot of them will start investing in Bulacan before the airport gets completed. Years from now, when Bulacan ecozone has become our latest success story, people will look back and say this started under PBBM,” pahayag ni Rep. Salceda.