Nananawagan si House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Bureau of Internal Revenue na silipin ang tax payments ng mga top rice importers kasunod ng alegasyon ng profiteering sa domestic rice trade.
Sinabi ni Salceda na hindi makapag request ang kongreso sa tax filings dahil protektado ito ng Section 270 ng Tax Code.
Subalit ang BIR ay maaring makapag verify ng kanilang sariling records.
Ayon kay Salceda itong mga top importers ay nagi-import ng bilyong halaga kaya dapat makikita ito sa tax payments.
Dagdag pa ni Salceda sakaling mapatunayang lumabag ang mga ito, maari silang makasuhan ng tax evasion at susundan ito ng Anti Money Laundering Council.
Sinabi ni Salceda na “sa panahon ng price ceiling ng bigas na itinakda ng Pangulo, ang agwat sa pagitan ng landed import price at domestic retail price ay nasa P3 piso lamang kada kilo lumobo na ito sa 20 pesos kada kilo, kahit na bumaba rin ang presyo ng farmgate.
Malinaw na mayruong pag abuso sa pagpe presyo kaya dapat itong matukoy.
Ipinunto din ni Salceda na tila may senyales ng hoarding sa palengke.
Batay sa imbentaryo ng bigas ay tumaas ng 24 porsiyento taon-taon.
Inihayag din ni Salceda na kanilang nabatid na ilang mga importer ay inaantala ang pag-withdraw ng mga import mula sa mga daungan.
Sinabi ni Salceda na magkakaroon ng executive session ngayong araw ang Murang Pagkain Supercommittee sa Department of Agriculture para marinig ang pagsisikap ng DA na pigilan ang manipulasyon ng presyo sa kalakalan ng bigas.